Thursday, March 5, 2009

"Toll Gate"

Dear Ate Charo,

Takipsilim na noon nang umalis kami sa Subic. Dahil lahat ay pagod sa maghapong pamamasyal, nakatulog kaming lahat sa sasakyan na aming inarkila. Halos hindi namin namalayan ang layo ng aming nilakbay. Tanging si manong drayber (sa kasamaang palad ay hindi namin nakuha ang pangalan) lang ang nanatiling gising.

Biglang huminto ang aming sinasakyan. Tumigil kami sa isang gasolinahan sa may NLEX para tugunan ang aming pisikal na pangangailangan.

Pagkatapos noon, nagsimula na ulit kami sa aming paglalakbay...

Nang biglang...huminto na naman. Nagising ako at mga katabi ko, sila Bosper, Betchay at Tating. Samantalang ang iba ay mahimbing pa rin.

"Hmmm,Yad na sad?! sagpa na pud sa toll?!" inip na sambit ko.

Habang nakapila kami ay napansin ni Bosper ang lalaki sa katabi naming sasakyan.

"Tuo na gid ko..Siya na gid!" sabi ni Bosper sabay turo sa lalaki.

Napalingon kami sa lalaking tinuran. Nakaupo sa likod ng sasakyang lulan ng puro lalaki. Tinitigan namin cia. Tinantiya...Bigla kaming nagkagulo. May itsura naman siya kahit papaano, ate Charo.

Gusto ko pa sanang titigan siya kaya lang napansin ata nung mga kasamahan niya ang aming kaguluhan. Bigla silang napatingin sa aming dako at nagtawanan.

*****COMMERCIAL BREAK********

=)

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright . 2009. Powered by Sandy.Designed by Ezwpthemes .
Converted To Blogger Template by Anshul .