Friday, March 6, 2009

"Toll Gate" (Ang Pagtatapos...)

Eto na po ang huling bahagi ng aking kwento kasi sabi nila,

"Magbiro ka na daw sa lasing at bagong gising,
Wag lang sa taong bitin"

---------------------------------------------------

Akala ko ay doon na natapos ang mga pangyayari. Ngunit, biglang tumili si Bosper.

"Ang number sa bolponey, kuha-a...DAAAALLLLIIIIII!!!!"

Paglingon ko ay nakapaskil sa likod na kanilang sasakyan ang numero ng isang telepono at ang pangalang "NORIEL" . Dali-dali naming kinuha ang naturang numero. Kahit medyo madilim ang kalsada ay nakaraos kaming kuhanin ito ng tama.

Matapos noon ay kumaripas na ang kanilang sasakyan sa TOLL GATE habang kami ay nakapila pa rin.

"Go na, ging. Jokaw na kay globe!" sambit ni Betchay.

Magpapadala na sana ako ng mensahe ngunit biglang nabura ang kanyang numero.

"Ay chaka, na-oms, yot!", hiyaw ko.

"Itis, ging o", sabi ni Betchay sabay abot sa kanyang telepono.

Nagpadala ako ng simpleng mensaheng, "Hi!"

Lahat ay naka-abang sa kanyang isasagot. Nang tumunog ang aking telepono, naghiyawan kaming lahat. Ang sagot nia ay isang nakakakilig na, "Hu u?"

Nagtawanan kaming lahat, Ate Charo. Naging maingay ang kaninang tahimik na sasakyan. Ang mga tulog ay nagtanong sa mga pangyayari.

Hanggang sa magpang-abot ulit ang aming mga sasakyan. Naghiyawan ulit kami. Akala ko guni-guni ko lng ang pagtunog ng aking telepono. Siya pla ang tumatawag. Hindi ko malaman ang aking gagawin, Ate Charo. Hindi pa ako handang kausapin siya.

Binigay ko ang telepono kay Betchay.

"Hello..Hello..Hello..", pasigaw na sabi ni Betchay. "Dema man magbubag, ging"

Sa wari ko'y tinantiya lang nila kung sino ang may-ari ng telepono. Tumunog ulit. Mensahe.

"Sino ka dun? San ka banda nakaupo"

Ang tanging nasagot ko lng ay..."Ano sa tingin mo?"

Sa tagal ng nilakbay namin sa papunta sa Subic, Ate Charo, ay siya ring kay dali ng pag-uwi namin. Siguro nga kasi nalibang ako sa kakatingin ng bawat sasakyang nakakasabay namin. Umaasang sila yun.

Nakarating na kami sa Balintawak nang may mensahe ulit..."Ikaw ba yung babae na nasa tabi ng bintana? Naka-pink?"

Si Betchay ang tinutukoy niya. Parang nawalan ako ng ganang sumagot sa tanong na iyon. Ibibigay ko sana ang numero ni Betchay ngunit malakas ang tanggi niya.

"Sorry, di ko pwede bigay no. nia. "Taken" na kc yun." sagot ko sa kanya.

"Ah, ganun ba? Taga-saan ka pala..."

At yun ang naging simula ng aming sagutan ng mga mensaheng...

"Mawnin! NagBF ka na ba?"

"Gud Nyt!"

"Dinner na u?"

Ang bilis nung mga sagot niya. Halatang hindi namumrublema sa kanyang "Load". Nalaman kong isa pla siya engineer sa Globe. Samantalang ako, sa Globe din nagtatrabaho.

Ewan ko ba, Ate Charo, cguro nga pinagtagpo kami ng pagkakataon. Hindi ko alam kong saan hahantong ang pagkakakilalang ito.

Kung sa pag-ibig or sa pagkakaibigan lng?
Kung ibo-view or i-a-add ba namin ang friendster na bawat isa? o
Kung sino ang unang mauubusan ng load, ako o siya?


Sumasainyo,


Grasya aka Charlene!

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright . 2009. Powered by Sandy.Designed by Ezwpthemes .
Converted To Blogger Template by Anshul .