Thursday, March 5, 2009

"Toll Gate" (Sa pagpapatuloy...)

Natigilan kami, Ate Charo. Hindi namin akalaing naaaninag pala kami sa loob ng sasakyan. Hindi na namin nilingon ang naturang lalaki. Kunwari'y nahiya sa aming ginawa.

Mahinang umusad ang mga sasakyan. Palibasaha'y hindi ako sanay sa trapiko sa Maynila, may kaunting inip akong naramdaman.Tahimik na ulit ang paligid.

Subali't datapwa't, napansin ni Betchay na may nakapaskil sa sasakyang may lulan sa lalaki.

Isang malaking "Hi!" ang nakasulat sa papel.

Nagkagulo ulit. Hindi namin mawari ang aming gagawin, Ate Charo. Wala kaming dalang panulat. Kaya ang ginawa ni Bosper ay pinulot ang isang plastic na bote ng Mineral Water na ang tatak ay "Sellect!" at tinapat sa bintana.

Nagtawanan ang nasa kabilang sasakyan. Kami din ay nalibang sa kanilang reaksyon. Ikinagulat ito ng iba naming kasamahan. Nagising sila at nakigulo na rin.

Umusad ulit ang trapiko... Lumayo na ang sasakyan sa amin.

*******COMMERCIAL BREAK************

=)

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright . 2009. Powered by Sandy.Designed by Ezwpthemes .
Converted To Blogger Template by Anshul .